Pinag-iisipan mo na
bang bumili ng sariling bahay? Awesome! Maraming options ang nariyan para
sa’yo, pero ang pagpili kung pre-selling unit or RFO unit ba ay tagalang
kailangang iconsider ng mabuti. Sure, ang pre-selling ay talaga namang mas mura
sa simula. Pero sa sa pagbili ng RFO unit, maaari mong ma-enjoy ang mga perks
na magpapatunay na ito ang winning choice at perfect match para sa’yo.
Imagine this: sa
halip na maghintay ng mga buwan o kahit taon para matapos ang construction ng
bahay, agad mo nang makukuha ang susi at makakalipat agad. Wala nang
pagmumuni-muni tungkol sa tanawin sa bakuran o sa pagdaydream kasamaang mga anak
sa mga play equipment – agad mo nang magagawa ang mga iyon. Higit pa diyan ay
may pagkakataon kang tingnan mismo ang unit, suriin ang kalidad ng lahat, at
makita kung ang layout ay swak sa iyong lifestyle.
At speaking of
lifestyle, yung amenities gaya ng play equipment, multipurpose halls, at yung
security - lahat ng mga pasilidad na
nakakapagpasaya ng pamumuhay sa isang komunidad? Oo, handa na silang gamitin
kapag handa ka na rin. Walang kailangang hintayin na malinis muna ang naiwang
alikabok ng konstruksyon bago ka makapagpahinga ng maayos sa iyong bagong sala.
Kung
iniisip mong ipa-renta ang bagong tahanan mo, agad mo nang maeenjoy ang tamis
na kita sa matatanggap na upa sa iyong unit. Wala ka nang hihintayin pa dito –
puwede kang makahanap ng mga tenant kaagad at gawing negosyo ang iyong
property.
So, kung ikaw ay
naghahanap ng bagong malilipatan agad, whether ito ay para sa pagrelocate dahil
sa trabaho, o nais mong magsimula ng iyong pamilya, o di kaya ay gusto nang
itigil ang pangungupahan sa apartment, RFO Units ang iyong magiging best
friend!
Sa BellaVita, may
RFO units na available na Sakto Sa’yo! Matatagpuan ang BellaVita RFO Units sa
iba’t ibang lugar sa Pilipinas gaya ng sa Lian, Lipa, San Pablo, Pila, Rosario,
at iba pa. Para sa mga dagdag na impormasyon, bisitahin lamang ang BellaVita
Facebook Page.